Posts

Showing posts from November, 2022

Trending Informative Topics Today

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin

Image
Naputol ang ikatlong bahagi ng dila ng isang taxi driver mula sa City of Naga, Cebu matapos na sunduin ang dalawang pasahero na lumabas na mga holdaper pala. Ayon sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ang driver na si Andres Alfanta ay madalas makipag-chat sa kanyang mga pasahero at mahilig makinig ng musika. Gayunpaman, hindi na siya magiging katulad ng dati, pagkatapos niyang mabiktima ng isang pares ng mga holdaper, na nagpanggap na mga pasahero mula sa Cebu City. “Pinapili nila ako. Babarilin ba ako o puputulan ng dila? Pinili ko na lang ipaputol ‘yung dila ko kasi, baka mamatay ako. Maliit pa ang mga anak ko tapos kapapanganak lang ng asawa ko,” aniya. “Sinakal ako para lumabas ang dila ko. Nung lumabas na ang dila ko, bigla nilang hiniwa. Nang tumalsik na ang dug0, bumaba na sila at umalis,” patuloy niya. Sa bahay, naramdaman ng asawa ni Andres na si Maria na may mali. “Hindi ko maintindihan ‘yung kaba sa dibdib ko. Sabi ko, tawagan ko kaya ‘to? Ayun pala talaga tama pal...

Seaman naglabas ng saloobin at pinasinungalingan ang mga maling pananaw ng karamihan tungkol sa kanila

Image
Walang niisang trabahong hindi pinaghihirapan. Hindi mawawala ang halos araw-araw na pagod at pagpupuyat sa kahit ano mang klaseng trabaho lalo na kung walang ibang choice kundi ang mas piliing malayo sa pamilya para sa trabahong kailangan ang katatagan ng sarili at pagtatyaga habang inisantabi ang sobrang lungkot at pangungulila sa ibang bansa. Para sa mga pangarap na maibigay ang magandang pamumuhay ng pamilya, itinataya ng mga kababayan nating mga Seaman at maging lahat ng mga OFWs ang kanilang mga sarili sa pakikipagsapalaran saan mang dako sa mundo. Madalas rin silang napagkakamalang masarap ang pamumuhay at pinupulot lang ang mga perang kinikita, hindi alam na gabutil na mga pawis sa pagod at hindi mapantayang kalungkutan ang tinitiis para makapag-ipon at maipapadala sa naiwang pamilya. Naglabas ng isang nakakamulat at nakakalungkot na katotohanang nararanasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa barko bilang mga seaman tungkol sa mga maling pag-iisip ng iilan sa kanila. "Nakikit...

Pilipino sa Japan pinarangalan bilang pagkilala sa kabutihang ginawa para sa isang Haponesa

Image
Isang Filipino sa Japan ang binigyan ng parangal dahil sa pagliligtas sa isang babae na tatalon sana sa tulay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong araw ng Lunes. Dahil dito ay naisalba ng 32 anyos na si Emil Reboja Vega ang isang residente sa Asaka City, Saitama Prefecture sa kapahamakan sana noong Abril 24. Kinilala ni Asaka City Police Commissioner Chief Police Inspector Makoto Sato ang kabutihang ginawa ni Vega at siya ay binigyan ng certificate. Ayon pa sa tubong Leyte na si Vega, siya ay naglalakad pauwi galing sa kanyang trabaho sakay ng kanyang motorsiklo nang kanyang makita ang babae na akmang tatalon na sa isang tulay. Nag madali ang Pinoy na bumaba sa kanyang motor upang puntahan ang babae at hinawakan ang kamay nito kasabay ng paghingi ng tulong sa mga kapwa motorist ana dumaraan. Binigyan ng parangal si Vega noong nakaraang Huwebes bilang pagkilala sa kabayanihang kanyang ginawa upang tulungan ang babae. Si Vega ay 16 taon nang nagta-trabaho sa bansang Japan bilang isang pl...

Physician Board Top Notcher, mas piniling maging doktor sa liblib na baryo at araw-araw na naglalakad para makatulong sa mga mahihirap

Image
Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nangingibang bansa upang humanap ng mas magandang trabaho upang mabigyan nila ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya at kinabukasan ang kanilang mga anak. Nagtitiis ang ilan na mapalayo sa kanilang pamilya para lamang guminhawa ang buhay kumpara sa magkakasama at naghihirap. Samantala, isang kahanga-hangang pagmamahal sa kapwa ang ipinamalas ng isang doktor na naging topnotcher sa 2019 Physician Board Exam. Siya ay si Dr. Temie Paul “Tipoy” Villarino. Dahil sa kanyang angking galling at husay sa larangan ng medesina ay maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya sa ibang bansa, subalit mas pinili ang manatili sa bansa at magserbisyo sa liblib na lugar sa Zamboanga del Norte sa baryo ng Godod. Dahil lumaki sa isang mahirap na baryo, nasaksihan ni Dr. Paul ang matinding pangangailangan ng mga tao para sa tulong sa kanilang kalusugan. Nasaksihan nya ang ilang mga tao na namamatay na lamang at hindi nakakatanggap ng tulong medical dahil walang ...

Para sa Operasyon ng Anak isang Ama ang naluluhang bilangin ang laman ng Alkansiya

Image
Walang papantay pa sa pagmamahal ng ating mga magulang maging Ina man o ating Ama, kailan man ay hindi ito mapapalitan lahat at kaya nilang tiisin at i-sakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay. Tulad na lang ng isang kwento at larawan na ipinost sa Facebook ng concerned citizen na si Jenny Sumalpong na pumukaw sa atensyon ng marami, ito ay ang tungkol sa isang ama na nakilala bilang si Jeric Aquino Treste na nakauponsa sahig ng isang ospital habang siya ay nagbibilang ng mga barya na kaniyang inipon para sa operasyon ng kaniyang anak na si Zhianna Ezra Treste o mas kilala sa palayaw na Baby Esang. Nanawagan si Jenny na ang kanyang post ay i-share ng mga netizen upang sa gayon ay marami ang makabasa at makakita nito na maaaring makatulong sa mag-ama para sa livér trånsplånt ni Baby Esang dahil ito ay may sakit sa atay. Para sa Operasyon ng Anak isang Ama ang napilitang Buksan ang Alkansiya Hindi raw sapat ang kinikita ni Jeric para makapag ipon para sa operasyon ni Baby Esang. Napag-a...

Pamilyang ginawang taniman ng Gulay ang bubungan ng bahay ang kinagigiliwan ngayon ng mga Netizens

Image
Sa mga nakalipas na taon ay talaga naman naranasan natin manatili lamang sa loob ng ating bahay dahil sa kinahaharap na pand3miya dahilan sa C0V1D ay mas tiyak na ligtas tayo sa ating tahanan. Dahil naman sa nararanasan nating ito ay marami ang nahihirapan at nagsasakripisyo pero patuloy parin tayong lumalaban at nagiging positib0 sa ating buhay. Dahil nga sa nangyaring quarantine sa nakalipas ay marami tayong natutunan lalong-lalo na mas malaking ginhawa talaga sa ating buhay at sa ating pamilya ang pagkakaroon ng sariling taniman ng gulay. Sobrang laki naman talaga ang tulong nito bukod sa hindi mo na kailangan lumabas para bumili sa palengke lalo na ngayon na sobrang delikad0 dahil sa kumakalat na sakit at isa pa dito ay makakasigurado ka na ang mga gulay na kakainin ng inyong pamilya ay sariwang sariwa. Talaga ngang napakalaking tulong at tipid nito dahil hindi mo narin kakailangain pang gumastos para makabili ng iba`t ibang gulay na kakailangain sa inyong tahanan. Samantala ang pr...

Padyak driver, ibinahagi ang pagkaing bigay sa kanya sa matandang nanlilimos ng makakain

Image
Bumihag sa damdamin at emosyon ng mga nakakabasa sa ginawang post ni Anarose Alverio tungkol sa hindi mapantayang pagmamahal at kabutihan ng isang Ama para sa kanyang pamilya at mga anak. Kinamulatan na ni Anarose ang pagpapadyak ng kanyang tiyuhin na si Danilo Alverio bilang kanyang hanapbuhay. Laman siya ng kalsada araw-araw hindi alintana ang kahit malakas na ulan o ang katirikan ng araw kumita lang ng pangkain sa mga anak. “HE IS BRAVE, HE IS SO STRONG, HE IS SO HARDWORKING kahit pa nilalagnat yan, nadidisgrasya, may pilay, may mga galos ang katawan bumabyahe parin para may maipambili ng bigas, ulam at tinapay para sa kanyang mga anak,” Kilalang-kilala nila si Mang Danny na sobrang mapagpaubaya, di bale ng wala at magutom siya basta masisigurado niyang merong kinakain ang kanyang pamilya. Kwento ni Anarose, nang makita nila si Mang Danny habang nag-aantay ng kanyang masasakay na pasahero ay mas pinili nila itong ayaing kumain kaysa bigyan ng pera dahil alam nilang hindi niya uunahi...

P2.2-B o CAD$60-M na Premyo sa Lotto, Napalanunan ng Isang Pinoy sa Canada!

Image
Napakadalang na matiyambahan ang mga numero sa lotto kaya naman napaka-swerte ng ating kababayan sa Canada dahil nanÃ¥lo siya sa lotto ng hindi lamang milyon kundi P2,2 Billion o $60-M sa Canada. Hindi makapaniwala si John Chua nang matanggap niya ang cash prize na tinatayang pinamalaking cash prize sa kasaysayan ng lottery sa Canada. "I thought it might be a Free Play or something. But it said $60 million—I was confused, so I checked on PlayNow.com when I got home," masayang pagbabahagi ni John, na halos di pa rin makapaniwala sa napanalunang lotto. Kwento pa ni John, hindi raw nya alam na ang kanyang napiling combination na 11, 21, 23, 25, 28, 41 at 43 ang pinakamalaking halagang napanalunan sa Manitoba. Dagdag pa ng nanay ni John na kasama nyang nagclaim ng premyo, inakala niyang nagbibiro lamang ang anak dahil sa sadyang palabiro ito. "He always plays jokes – he’s a joker, so I didn’t believe it," kwento ng ina ni John sa panayam sa kanila. Humarap sa media si Jo...

Nasiraan ng Motor sa Kalsada hinuli at pinagmulta ng illegal Parking ng mga Traffic Enforcer

Image
Hinuli na pinagmulta pa ang isang motorista matapos itong masiraan sa daan, habang inaayos at kinumpuni ng motorista ang kanyang motor ay syang lapit naman ng traffic enforcer. At agad syang binulyawan nito na bawal ang mag park sa nasabing daanan, sumagot naman ang motorista na nasiraan sya at kinakailangan nyang ayusin ito dahil hindi nya rin ito mapapatakbo. Ilang beses nakiusap ang motorista sa nasabing traffic enforce ngunit hindi ito nakinig sa halip ay pinagmulta nya pa ito dahil Illegal parking daw ang kanyang ginagawa. Hinuli nya rin ito ng traffic Enforcer sa kadahilanang bastos sumagot ang nasabing motorista. Hindi na nakipag talo pa ang motorista sa dalawang traffic enforcer dahil anya ay mas lalo lamang lalaki ang gulo "Pasikatin po ntin 2ng dalawang to. Indi m alam kung mkatao pba ung mga ginagawa nla s mga mu2rista e..biruin m titikitan k ng walang dahilan. ang dahlan nla illegal parking daw e nkita nman nyang walang gulong ung hulihan" "Nabutasan kna hinu...

May Ginto sa Ukay-Ukay, sinuwerte at nagulat sa halaga ng alahas na kanyang nakuha ang Lalake

Image
Marami na ang mga iilang sinuswerte pagdating sa mga nakukuha nilang mga pera, ginto at iba pang mga kapaki-pakinabang mula sa mga nabibiling ukay-ukay. Marami sa mga Pinoy ang nahihilig bumili sa mga ukay-ukay shops dahil hindi lang sa sobrang mura lahat ng paninda, pawang mga branded pa halos lahat. Napanga-nga nalang ang mga netizens sa malaking swerteng balik mula sa P180 lamang na jacket na nabili ni Alvin Piñero Balbon sa isang ukay-ukay shop sa Dumaguete. Hindi inaasahan ni Alvin na ang kanyang paghahanap ng mumurahing jacket ay maghahatid sa kanya ng isang mabigat at kumikinang na 18karat na gintong kwintas. Kwento niya, saka na niya namalayan na may biyayang dala ang nabili niyang ukay-ukay nang labhan niya na ito. Sa una'y akala niya parang mga pang display display lang, ngunit naghihinala na siya kaya't pinasuri niya ito sa mga sanglaan. "Iba kasi ako pag maglalaba chinicheck ko muna yung mga bulsa kung meron bang mga papel or tissue kasi kakalat lang sa washing...

Matandang Mag- asawa, Naninirahan sa Tagpi-Tagping Tent dahil Pinabayaan

Image
Ang ating mga magulang ang nagdala sa atin sa mundong ito. Minahal, inaruga, binihisan at pinakain. May mga pagkakataong hindi nagkakaintindihan ang dalawang panig ngunit hindi natin maiaalis ang katotohanang sa kanila nagmula ang ating dug0 at laman. May mga anak na sinusuwerte sa magulang kaya naman nangangarap ang mga ito na balang araw ay makabawi sa kanila. Samantala, may mga anak na pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa para sa kanila ay bigla na lang mawawala na parang isang bula na kung saan tuluyang kakalimutan at tatalikuran ang kanilang mga sariling magulang. Kagaya na lamang ng mag- asawang ito na naninirahan sa isang tagpi- tagping tent sa Linabuan Norte, Kalibo Aklan dahil iniwan at pinabayaan na sila ng kanilang apat na anak na babae. Ibinahagi ng Radio Anchor na si Archie Hilario ang video na nagpapakita ng kalagayan ng mag- asawa at ang kwentong buhay nito. Ayon sa kanila, dalawa sa apat na anak nilang babae ay nasa Maynila. Matagal na silang walang balita sa mga ...

Mag-Amang Limang Piso lang ang pera pamasahe, tinulungan ng isang Good Samaritan

Image
May mga panahon sa buhay na nararanasan ng bawat tao ang dumating sa punto na halos walang-wala na lahat dahil sa hirap na pamumuhay, ngunit sa araw-araw na nilikha ng Diyos kalakip nito ang kanyang lubos na pagmamahal ay hinding-hindi niya pinababayaan at palagi siyang may nakahandang instrumento para maipabatid ang kanyang kakaibang plano. Katulad nalang ng hindi malilimutang milagrong karanasan ni Sharmaine Constantino na tumagos sa puso ng mga netizens. Ordinaryong araw para kay Sharmaine, habang siya’y nag-aabang lamang ng pampasaherong jeep na masasakyan papasok sa trabaho, nakasabay niya ang mag-ama na naririnig niyang namroroblema dahil kulang ang kanilang perang pamasahe. “Tatay : anak, subukan natin sumakay ng jeep. Limang piso na lang hawak kong pera. Anak : kulang ata yan Tatay : susubukan lang natin, kung ayaw wala tayo magagawa,” Pansin ni Sharmaine ang hirap na buhay ng mag-ama dahil walang suot na tsinelas ang matanda habang bitbit nito ang sako laman ang kanilang mga g...

Mag Asawa, namuhunan ng P100 sa negosyo at ngayon ay kumikita na P50k kada-buwan

Image
Isa sa mga sangkap upang magtagumpay ay ang pagsisikap dahil alam naman natin na ang lahat ng bagay ay maaari natin makuha kung ito ay ating pagsusumikapan at paghihirap. Ang buhay natin ay hindi tulad ng isang mahika na isang hiling o pitik mo lang ay makukuha mo na kaya naman ang kinakailangan ay ang maging matiyaga at masipag. Kung tutuusin ay marami na tayong mga istorya na nababasa tungkol sa mga tagumpay ng tao dahil sa kanilang pagsisikap sa buhay. Isa na nga dyan ay ang kwento kung paano naging matagumpay ay mag-asawang sina Reynante at Raquel Manimtim. Maniniwala ba kayo na sa halagang P100 na Puhunan ay nagawa ng couple na ito ay palaguin at sa kasalukuyan ay kumikita na sila ng P50,000 kada araw. Ayon sa kwento ng mag-asawa, noong araw ay isa lamang silang mga empleyado ng isang restaurant at kumikita kamang sila ng sapat sa pang araw-araw. Dagdag pa ng mag-asawa, Isang araw daw ay may biglang lumapit sa kanila at nag-alok ng bahay at lupa na maaari nilang bayaran ng hulugan...

Popular posts from this blog

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin