Pamilyang ginawang taniman ng Gulay ang bubungan ng bahay ang kinagigiliwan ngayon ng mga Netizens
Sa mga nakalipas na taon ay talaga naman naranasan natin manatili lamang sa loob ng ating bahay dahil sa kinahaharap na pand3miya dahilan sa C0V1D ay mas tiyak na ligtas tayo sa ating tahanan.
Dahil naman sa nararanasan nating ito ay marami ang nahihirapan at nagsasakripisyo pero patuloy parin tayong lumalaban at nagiging positib0 sa ating buhay.
Dahil nga sa nangyaring quarantine sa nakalipas ay marami tayong natutunan lalong-lalo na mas malaking ginhawa talaga sa ating buhay at sa ating pamilya ang pagkakaroon ng sariling taniman ng gulay.
Sobrang laki naman talaga ang tulong nito bukod sa hindi mo na kailangan lumabas para bumili sa palengke lalo na ngayon na sobrang delikad0 dahil sa kumakalat na sakit at isa pa dito ay makakasigurado ka na ang mga gulay na kakainin ng inyong pamilya ay sariwang sariwa.
Talaga ngang napakalaking tulong at tipid nito dahil hindi mo narin kakailangain pang gumastos para makabili ng iba`t ibang gulay na kakailangain sa inyong tahanan. Samantala ang problema naman ng iba pagdating sa pagtatanim ay kawalan ng lugar o lupa na kanilang mapagtataniman.
Ngunit kakaiba ang isang Pamilya na itinampok ng isang Facebook page na “New Normal: The Survival Guide”. Ang pamilya kasing tampok dito ay mayroong “roof garden” sa kanilang bahay.
Para sa kanilang pamilya ay walang naging hadlang o anumang dahilan upang sila ay hindi makapagtanim lalo na sa panahon ngayon na importante ang mga gulay para sa pagpapalakas ng ating katawan. Ayon sa naturang post ang naturang bubungan na may munting taniman ay pagmamay-ari ni Tatay Buboy.
Sino nga ba ang hindi magugulat na aakalain mo bang maari ka palang mag-ani ng halos dalawang batya ng petchay sa iyong bubungan? At hindi lang yan mayroon din mga lettuce na talaga naman sobrang mahal kung bibili ka sa mga pamilihan.
Marami naman ang mga netizens na humanga at bumilib sa Pamilya ni Tatay Buboy napansin din nila na napakaganda rin ng kanilang alagang “Magic Rose”. Ito ay isa lang sa patunay na kapag may gusto ka iyo lamang pagsikapan at iyong mapagtatagumpayan at walang ibang makakahadlang sayo upang gawin ito.
Comments
Post a Comment