Trending Informative Topics Today

Pilipino sa Japan pinarangalan bilang pagkilala sa kabutihang ginawa para sa isang Haponesa

Isang Filipino sa Japan ang binigyan ng parangal dahil sa pagliligtas sa isang babae na tatalon sana sa tulay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong araw ng Lunes.

Dahil dito ay naisalba ng 32 anyos na si Emil Reboja Vega ang isang residente sa Asaka City, Saitama Prefecture sa kapahamakan sana noong Abril 24.


Kinilala ni Asaka City Police Commissioner Chief Police Inspector Makoto Sato ang kabutihang ginawa ni Vega at siya ay binigyan ng certificate.

Ayon pa sa tubong Leyte na si Vega, siya ay naglalakad pauwi galing sa kanyang trabaho sakay ng kanyang motorsiklo nang kanyang makita ang babae na akmang tatalon na sa isang tulay.

Nag madali ang Pinoy na bumaba sa kanyang motor upang puntahan ang babae at hinawakan ang kamay nito kasabay ng paghingi ng tulong sa mga kapwa motorist ana dumaraan.


Binigyan ng parangal si Vega noong nakaraang Huwebes bilang pagkilala sa kabayanihang kanyang ginawa upang tulungan ang babae.

Si Vega ay 16 taon nang nagta-trabaho sa bansang Japan bilang isang plumber.

Isang Pilipino na naman ang nagpamalas ng kabutihan at di nagdalawang isip na tulungan ang kapwa.

Comments

Popular posts from this blog

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin