Posts

Trending Informative Topics Today

"Viral | Navigating the Internet's Top Trending Stories" | Wireless Doorbell No Battery required Waterproof Door bell Bell Wireless Remote Doorbell

Image
 

Buzz Beat: Catching Up with the Hottest Trends and Viral Stories | 800W-100W Buy 1 take 1 Solar Light Outdoor Waterproof LED Light Flood Light Street Lamp with remote

Image

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin

Image
Naputol ang ikatlong bahagi ng dila ng isang taxi driver mula sa City of Naga, Cebu matapos na sunduin ang dalawang pasahero na lumabas na mga holdaper pala. Ayon sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ang driver na si Andres Alfanta ay madalas makipag-chat sa kanyang mga pasahero at mahilig makinig ng musika. Gayunpaman, hindi na siya magiging katulad ng dati, pagkatapos niyang mabiktima ng isang pares ng mga holdaper, na nagpanggap na mga pasahero mula sa Cebu City. “Pinapili nila ako. Babarilin ba ako o puputulan ng dila? Pinili ko na lang ipaputol ‘yung dila ko kasi, baka mamatay ako. Maliit pa ang mga anak ko tapos kapapanganak lang ng asawa ko,” aniya. “Sinakal ako para lumabas ang dila ko. Nung lumabas na ang dila ko, bigla nilang hiniwa. Nang tumalsik na ang dug0, bumaba na sila at umalis,” patuloy niya. Sa bahay, naramdaman ng asawa ni Andres na si Maria na may mali. “Hindi ko maintindihan ‘yung kaba sa dibdib ko. Sabi ko, tawagan ko kaya ‘to? Ayun pala talaga tama pal...

Seaman naglabas ng saloobin at pinasinungalingan ang mga maling pananaw ng karamihan tungkol sa kanila

Image
Walang niisang trabahong hindi pinaghihirapan. Hindi mawawala ang halos araw-araw na pagod at pagpupuyat sa kahit ano mang klaseng trabaho lalo na kung walang ibang choice kundi ang mas piliing malayo sa pamilya para sa trabahong kailangan ang katatagan ng sarili at pagtatyaga habang inisantabi ang sobrang lungkot at pangungulila sa ibang bansa. Para sa mga pangarap na maibigay ang magandang pamumuhay ng pamilya, itinataya ng mga kababayan nating mga Seaman at maging lahat ng mga OFWs ang kanilang mga sarili sa pakikipagsapalaran saan mang dako sa mundo. Madalas rin silang napagkakamalang masarap ang pamumuhay at pinupulot lang ang mga perang kinikita, hindi alam na gabutil na mga pawis sa pagod at hindi mapantayang kalungkutan ang tinitiis para makapag-ipon at maipapadala sa naiwang pamilya. Naglabas ng isang nakakamulat at nakakalungkot na katotohanang nararanasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa barko bilang mga seaman tungkol sa mga maling pag-iisip ng iilan sa kanila. "Nakikit...

Pilipino sa Japan pinarangalan bilang pagkilala sa kabutihang ginawa para sa isang Haponesa

Image
Isang Filipino sa Japan ang binigyan ng parangal dahil sa pagliligtas sa isang babae na tatalon sana sa tulay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong araw ng Lunes. Dahil dito ay naisalba ng 32 anyos na si Emil Reboja Vega ang isang residente sa Asaka City, Saitama Prefecture sa kapahamakan sana noong Abril 24. Kinilala ni Asaka City Police Commissioner Chief Police Inspector Makoto Sato ang kabutihang ginawa ni Vega at siya ay binigyan ng certificate. Ayon pa sa tubong Leyte na si Vega, siya ay naglalakad pauwi galing sa kanyang trabaho sakay ng kanyang motorsiklo nang kanyang makita ang babae na akmang tatalon na sa isang tulay. Nag madali ang Pinoy na bumaba sa kanyang motor upang puntahan ang babae at hinawakan ang kamay nito kasabay ng paghingi ng tulong sa mga kapwa motorist ana dumaraan. Binigyan ng parangal si Vega noong nakaraang Huwebes bilang pagkilala sa kabayanihang kanyang ginawa upang tulungan ang babae. Si Vega ay 16 taon nang nagta-trabaho sa bansang Japan bilang isang pl...

Physician Board Top Notcher, mas piniling maging doktor sa liblib na baryo at araw-araw na naglalakad para makatulong sa mga mahihirap

Image
Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nangingibang bansa upang humanap ng mas magandang trabaho upang mabigyan nila ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya at kinabukasan ang kanilang mga anak. Nagtitiis ang ilan na mapalayo sa kanilang pamilya para lamang guminhawa ang buhay kumpara sa magkakasama at naghihirap. Samantala, isang kahanga-hangang pagmamahal sa kapwa ang ipinamalas ng isang doktor na naging topnotcher sa 2019 Physician Board Exam. Siya ay si Dr. Temie Paul “Tipoy” Villarino. Dahil sa kanyang angking galling at husay sa larangan ng medesina ay maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya sa ibang bansa, subalit mas pinili ang manatili sa bansa at magserbisyo sa liblib na lugar sa Zamboanga del Norte sa baryo ng Godod. Dahil lumaki sa isang mahirap na baryo, nasaksihan ni Dr. Paul ang matinding pangangailangan ng mga tao para sa tulong sa kanilang kalusugan. Nasaksihan nya ang ilang mga tao na namamatay na lamang at hindi nakakatanggap ng tulong medical dahil walang ...

Para sa Operasyon ng Anak isang Ama ang naluluhang bilangin ang laman ng Alkansiya

Image
Walang papantay pa sa pagmamahal ng ating mga magulang maging Ina man o ating Ama, kailan man ay hindi ito mapapalitan lahat at kaya nilang tiisin at i-sakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay. Tulad na lang ng isang kwento at larawan na ipinost sa Facebook ng concerned citizen na si Jenny Sumalpong na pumukaw sa atensyon ng marami, ito ay ang tungkol sa isang ama na nakilala bilang si Jeric Aquino Treste na nakauponsa sahig ng isang ospital habang siya ay nagbibilang ng mga barya na kaniyang inipon para sa operasyon ng kaniyang anak na si Zhianna Ezra Treste o mas kilala sa palayaw na Baby Esang. Nanawagan si Jenny na ang kanyang post ay i-share ng mga netizen upang sa gayon ay marami ang makabasa at makakita nito na maaaring makatulong sa mag-ama para sa livér trånsplånt ni Baby Esang dahil ito ay may sakit sa atay. Para sa Operasyon ng Anak isang Ama ang napilitang Buksan ang Alkansiya Hindi raw sapat ang kinikita ni Jeric para makapag ipon para sa operasyon ni Baby Esang. Napag-a...

Popular posts from this blog

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin