Lolo, nagsumikap makapagtapos ng pag-aaral upang mahikayat ang mga anak na Nababarkada
.png)
Tunghayan ang kwento ng isang Lolo mula sa Northern Samar na si lolo Merit Majerano na nagbigay ng inspirasyon hindi lang sa kanyang mga anak kung hindi maging sa mga kabataan na naliligaw ng landas. Nakapagtapos si Lolo Merit kamakailan lang sa junior high school sa programa ng DepEd na ALS o ang Alternative Learning Program. Ayon sa kwento ng guro ni lolo Merit, noong una ay inakala nilang i-eenroll lamang ng senior citizen ang kanyang mga anak o mga apo sa kanilang paaralan sa Mondragon, Northern Samar. Ngunit laking gulat nila, nang sabihin ng matanda na sya mismo ang mag-eenroll. “Inapproach kami, sabi nya, Ma’am, magpapa enroll po ako… Ha?! Ikaw tay? Kaya mo? Opo Ma’am, kaya ko. Kaya ko pa po mag-module.” Kwento ng guro na si Bb. Shayne Allegar Esponilla sa panayam sa kanya ng GMA News. Simula noon ay pinatunayan ni lolo Merit na kaya nya pa rin nyang makipagsabayan sa pag-aaral. Sa katunayan nga ay napagsasabay nya ang araw araw na pagtatanim sa bukid at ang kanyang mga modules....