Trending Informative Topics Today

Kinukutya at hinahamak na kargador noon, isa na ngayong ganap na Doctor


Bago natin makamit ang ating minimithing pangarap ay marami tayong kinaharap na pagsubok sa araw-araw na nagdadaan, paghihirap at sakripisyo na inilan para makamit ang pangarap sa buhay.

Tulad na lang ng kwento ni Jonny Viray siya ay isang napakagandang halimbawa ng taong determinado na nagpursige at nagsumikap para mapagtagumpayan ang pangarap at ngayon ay isa na siyang ganap na “Doctor of Education”. Ang kanyang nakakamanghang kwento ay kanyang ibinahagi sa DepEd Open Educational Resources (OER), isang group sa social media platform na Facebook.


Si Johnny ay lumaki sa isang mahirap na pamilya, Hindi katulad ng iba niyang kamag-aral o kaibigan na marangya ang buhay habang nag-aaral siya ay hindi nakaranas magdiwang ng kanyang kaarawan at maging ang kanyang “graduation” dahil wala naman silang pambili ng mga espesyal na pagkain o regalo.

Maging nang siya ay makapagtapos noong highschool bilang “Salutatorian” ay wala siyang handa at kahit ang kanyang pamilya ay hindi nagdiwang dahil sa kawalan ng pera.

Nagpapasalamat na nga lang daw siya sa isa niyang kamag-aral na nakapaghanda noon at doon sila nakikain at nakisaya. Kwento niya din na noong nasa elementarya pa lamang siya ay madalas na pagkain niya ay lugaw lamang na binibili niya sa halagang php2 na kanyang baon.


At nang siya raw ay tumuntong sa “Highschool” ay mas lalong naging mahirap ang lahat dahil talagang wala silang sapat na pera at pambili ng pagkain.

Nagsumikap ang kanyang ama na silang magkakapatid ay mapag-aral lahat sa isang pribadong paaralan kahit hirap sa buhay.

Tuwing matatapos daw ang buwan ay kinakailangan nilang magbayad ng Php244. Sa tingin ng iba ay hindi kalakihang halaga ngunit para sa pamilya nila noon ay sobrang laki na nito at napakahalaga.

Dahil sa binabayaran buwan-buwan ang kanilang pagkain ay bawas na bawas at minsan ay wala talagang makain, dahilan upang makaranas mahimatay ni Jonny dahil sa gutom.

Nang mga panahon daw na yon ay nais na niyang sumuko ng tuluyan ngunit tumatak sa kanyang ang mga salita ng kanyang guro sa Filipino na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

“Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral: may pag-asa pa” sambit ng guro.

Hindi nagtagal ay nagtrabaho muna si Jonny sa isang pantalan bilang kargador, sa tuwing makakakita siya ng dati niyang kaklase na nakakapag kolehiyo siya nakakaranas ng pagkalungkot.


Isang araw daw ng magkita ang kanyang Ina at ang dating guro sa Economics na si Ms. Mafalda L. Manansala ay inimbitahan daw siyang maging isang working student. At kalaunan siya ay nakapag-aral nagsumikap hanggang sa makapagtapos siya ng kursong Education bilang “Magna Cum Laude”.

Pagkatapos magingg Magna Cum Laude ay agad siyang kumuha ng “Master of Arts in Education Major in Educational Mangement” sa Don Honorio Ventura Technological State University. At doon siya ay nagtapos at kanyang nakumpleto ang “Doctor of Education” sa ngayon si Jonny Viray ay isa nang ganap na Doktor ng Edukasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Taxi Driver, Pinutulan pa ng Dila matapos Holdapin