Nanalo ng P2,500 sa Inuman Challenge nagbayad ng P200,000 sa Hospital matapos ma-Stroke
Isang pamilya sa Imus Cavite ang naturuan ng leksiyon matapos ng kanilang kasiyahan sa alak challenge.
Ang inakala kasing katuwaan lang na inuman challenge,ang naging mitsa para ang 49-anyos nilang kaanak na si Resty na ICU at nag-aagaw buhay sa ospital.
Birthday daw ng pamangkin ni Resty nung nagkayayaan silang mag-swimming, at para raw masaya ang bonding ay sumali siya sa inuman challenge.
Simple lang ang mechanics, isang basong Gin at isa pang basong Gin na may halong tubig, isang baso rin ng Brandy at dalawang baso ng beer, kung sino ang makakaubos ng limang klase ng alak sa wine glass, ay mananalo ng 2,500 pesos.
Ang kanilang naging pambato si Resty na nuon paman daw aminado ng tomador. Kaya ang inuman challenge, challenge accepted para kay resty hanggang nag-uwi nga sya ng premyong Php2500.
Sa kanyang tuwa si Resty napasayaw pa. Pero makalipas lang ang Sampung minuto ay bigla na lang siyang nahilo at nagsuka. Kaya isinugod na siya sa ospital.
Ayon sa misis ni Resty ay may galos umano ito at nangitim na yung kulay niya, yung hinahabol ang hininga habang naghihingalo na, sabi ng doktor yung vital signs nyabagsak na comatose na umano si Resty.
Nakaranas na pala ng tinatawag na alcohol intoxication si Resty. Ito ay isang kundisyon kung saan sobra sobrang dami ng alcohol ang nailalagay sa ating katawan.
Ito rin ay tinatawag na alcohol poisoning, usually ina ICU yung pasyente, yung stage ng COMA very dangerous at this stage the person is atrisk for death. Maaari kayong magkaron ng stroke, maaring maapektuhan yung respiratory systems.
Kaya ang pamilya ni Resty ay nilasing ng matinding pag-aalala lalo na ng malamang si Resty ay meron din palang severe pneumonia. Nagkaroon din ng pamamaga sa kanan niyang utak.
Ngunit makalipas ang isang araw ay himalang muli siyang nagkamalay. Ang ending nga lang ay ang napanalunang P2500 ni Resty ay kulang pa sa ipinambayad nila sa ospital na inabot ng halos Php200,000.
Ayon sa Doktor ang recommended lamang umano na alak para sa tao ay 1-2 drinks a day, pero hindi daw ito accumulative, kunyari ngayon eh dika uminom, bat kinabukasan ay iyong babawiin? ay hindi daw pupwede yun.
Comments
Post a Comment